Beef Pares ala Retiro (Street Food)


Ang recipe na ito ng beef pares (mami camto) ay ang tagilirang parte ng baka na malasa. Ito ay karaniwang street food na makikita sa mga mataong kalsada.

Kahit Beef Pares na may kanin o Beef Pares na Mami ang iyong gusto, ang recipe na ito ay masarap at walang katulad kahit saan.


SANGKAP:


Unang Pakulo

500g ng buto ng baka

1kg (1000g) frozen na beef trimmings

1kg (1000g) sariwang tagilirang parte ng baka (nahiwa sa maliliit na piraso)

10L (10000ml) tubig

50g asin

50g RC (ordinaryong MSG)

Beef Stock (Pangalawang Pakulo)

Pinakulong baka

10L (10000ml) tubig

50g RC (ordinaryong MSG)

2g asukal

100g luya (nahiwa nang pino)

5 pirasong cloves (natural)

3 pirasong dahon ng laurel


Pares (seasoning)

Pinakulong baka

Beef stock

200g sibuyans (nahiwa nang pino)
50g kintsay (nahiwa nang pino)

50g celery (nahiwa nang pino)

2g Five spice powder, (Ngohiong)

20g MSG

1 pirasong star anise
15ml patis 

100g cornstarch
40g paminta

2pcs Knorr beef cubes

200g Knorr Savor


Resulta = 40 - 45 servings (sabaw = 250ml, karne ng baka = 40-50g)


PAMAMARAAN:

1. Ibilad sa araw ang mga meat ingredients at patuyuin sa loob ng isang oras.

2. Maghanda ng malaking kaldero na may 10 litro ng tubig. Unang pakuluin ang mga meat ingredients kasama ang 50g ng asin at ordinaryong MSG sa katamtamang init sa loob 1 at 30 minuto. Pakuluin pa nang kalahating oras sa mahinang apoy. Tanggalin ang sobrang taba paminsan-minsan.

3. Ihiwalay ang meat ingredients sa isang malaking lalagyan at hayaang matuyo sa loob ng ilang minuto. Itinuturing nang waste ang tubig mula sa unang pagpapakulo kaya huwag na itong gamitin.

4. Para sa panglawang pagpapakulo, maghanda ng malinis na malaking kaldero na may 10 litro ng tubig at saka ilagay ang beef stock ingredients maliban sa cornstarch at Knorr savor. Takpan ito at hayaang kumulo sa mahinang apoy upang makamit ang malambot na karne. Siguruhing laging tanggalin ang sobrang taba.

5. Hayaang pakuluin ang stock at buto ng baka saka ihiwalay ang karne mula dito gamit ang strainer.

6. Habang tinatanggal ang sobrang taba, dumi, at iba pang lumulutang na mga dahon, ihalo ang iba pang seasoning ingredients para sa pares. Patuloy na pakuluin sa mahinang apoy.

7. Sa isang wok, ilagay ang na-season at nasalang baka at ang Knorr savor hanggang sa masipsip ng karne ang lasa nito.

8. Sa kabilang banda, tunawin ang cornstarch sa tubig at ibuos ang broth ng pares hanggang sa makuha ang gustong lapot. Patuloy na pakuluin at haluin paminsan-minsan.

9. Ilagay ang karne sa hiwalay na lalagyan at takpan. 

10. Kapag ihahanda, siguruhin gumamit ng 250ml na bowl, idagdag ang nasa 50g na karne ng baka, ibuhos ang paresbroth, at hayaan ang customer na maglagay ng gusto nilang topping.


Paghahanda para sa Mami (miki noodle):
40-50g miki noodle
10g repolyo, nahiwa
1 itlog o higit pa (ayon sa gusto ng customer)
spring onions para pangdisenyo
prinitong bawang para pangdisenyo (ayon sa gusto ng customer)




Comments