Crispy Pata



Maraming paraan para magluto ng crispy pata. Narito ang pinakamasarap na recipe para sa Pinoy crispy pata. Gawin itong main course para sa mga customer!


SANGKAP:

Pagpapakulo

2kg ng pata (pork hock o knuckle)

20g ng sibuyas, tinadtad

20g bawang, tinadtad

100g (ordinaryong MSG)

5g cloves (natural preservation)

2 tangkay ng of tanglad, nakatali

20g ng durog na paminta

10g ng suka

3L ng tubig

2L ng nagamit nang mantika


Resulta: karaniwan, ang pork pata ay mayroong iba’t ibang sukat, kung nais mong ihain ito sa iyong restaurant, tapsihan o cafe, siguraduhing pillin ang kaparehong sukat upang ma-kontrol ang gastos kada serving.

Shelf life: magandang magamit o makain bago mag-3 na buwan (Panatilihing frozen)


Sauce:

Para sa sauce, paki-tignan ang “Sweet Chili Sauce recipe” na  kasama sa kursong ito.  


PAMAMARAAN:

1. Hugasan at linisin ang pata nang maigi. Gumawa ng malalalim na hiwa sa gilid ng pata upang makasipsip itong  ng mas maraming lasa.

2. Sa isang malalim na kaserola, maglagay ng tubig, gamit na mantika at ang pata. Siguruhing ang pata ay nakalubog sa tubig at mantika.

3. Idagdag ang iba pang sangkap, tignan ang nasa itaas.

4. Pakuluin at i-simmer sa loob ng 1 ½ oras o hanggang maging malambot ang pata.

5. Tanggalin mula sa init at palamigin.

6. Pahiran ang pata ng patis at paminta.

7. Balutin ng foil o cling wrap. I-freeze nang magdamag para maging mas malutong.

8. Maaaring gumamit ng vacuum packaging kung nais mo itong itago o ibenta nang hilaw.

9. Tunawin ang pata bago lutuin. I-deep-fry ito sa mainit (hanggang katamtaman) na apoy. Hinaan ang apoy kung saan mababawasan ang pagbula ng mantika. Hintayin hanggang maging golden brown ang pata.

Maaaring gumamit ng turbo broiler o tradisyonal na oven: 350°F (o 176°C) sa loob ng 30-45 minuto o hanggang makuha ang kulay na iyong gusto. Tandaan na ang turbo broiler ay mas mabilis makaluto kaysa sa oven. Kaya nitong maging malutong kahit maluto lang sa loob ng mas maikli sa 30 minuto.



Comments