Gravy Sauce (Jollibee Style)

Gravy Sauce 

(Jollibee Style)


Ang Jollibee style na gravy recipe na ito ay madaling gawin, simple, at malasa tulad ng ating paboritong gravy ng Jollibee. Alam kong madaling pumunta kahit saan at makabili ng gawa nang gravy sauce. Pero bakit hindi mo pabilibin ang iyong mga customer sa paghahanda ng sarili mong gawang gravy sauce. Perpektong kasama ng fried chicken!


INGREDIENTS:
3 kutsara ng butter o margarine
4 kutsara ng all-purpose flour
1 Knorr chicken broth cube
3 tasa ng mainit na tubig (tunawin dito ang chicken broth cubes)
1/2 tasa ng all purpose cream (pamalit: fresh milk o kahit anong liquid milk)
1 kutsarita ng durog na paminta
3-4 kutsarang toyo
1 kutsarita ng worcestershire sauce (opsyonal)
asin, pampalasa
1 kutsarita ng asukal
3 kutsara ng garlic powder (pamalit: tinadtad na bawang)
1 kutsaritang tuyong thyme (kahit anong herb, opsyonal)


INSTRUCTIONS:

1. Tunawin ang butter sa isang malaking kawali sa pinakamababang init. I-whisk ang harina, at hayaang maluto. Patuloy na i-whisk sa loob ng 1 minuto.

2. Ilagay at i-whisk ang chicken broth at natitirang mga sangkap.

3. Hayaang kumulo sa mahinang apoy, at patuloy na i-whisk hanggang 2 minuto o maging malapot ang mixture.

4. Magbudbod ng kaunting asukal at dagdagan ng asin upang lumasa. Patuloy na i-whisk hanggang maging smooth ang sauce at matunaw ang mga buo-buo. Patayin ang kalan kapag smooth at malapot na ang gravy.

5. Ihanda kasama ang paboritong Crispy Fried Chicken ala Chicken Joy

Enjoy!

 

Comments