Gusto mo ba ng negosyo kagaya ng Master Siomai, Siomai House at iba pang matagumpay na siomai business? Narito ang kanilang secret recipe na makakatulong upang maidagdag sa menu ng inyong food cart.
SANGKAP:
Meat Materials (Pork)
750g Pork lean, giniling nang pino
250g Pork jowl, giniling nang pino
Curing
5g refined salt
3g Curing salt / Prague powder (pink salt)
8g Accord Phosphate
62.5ml malamig na tubig
Extenders
125ml tubig
28g Isolate Protein (ISP)
125g Texturized Vegetable Protein (TVP)
10g carrageenan
Seasonings
20g asukal, pino
10g dinurog na paminta
20g Garlic powder
15g MSG
150g sibuyas, nahiwa nang pino
20g Celery, nahiwa nang pino
50g Carrot, nahiwa nang pino
30g Nori flakes, tinadtad
1pc Egg, Large
50ml knorr Savor
130g Cornstarch
80pcs siomai wrapper
Meat Materials (Beef)
750g Beef lean, giniling nang pino
250g Beef jowl, giniling nang pino
Curing
5g refined salt
3g Curing salt / Prague powder (pink salt)
8g Accord Phosphate
62.5ml malamig na tubig
Extenders
125ml tubig
28g Isolate Protein (ISP)
125g Texturized Vegetable Protein (TVP)
10g carrageenan
Seasonings
20g Sugar, refined
10g dinurog na paminta
20g Garlic powder
15g MSG
150g sibuyas, hiniwa nang pino
20g Celery, hiniwa nang pino
50g Carrot, hiniwa nang pino
30g Nori flakes, tinadtad
1 piraso ng itlog, malaki
50ml knorr Savor
130g cornstarch
80pcs siomai wrapper
Meat Materials (Sharksfin)
750g Pork lean, giniling nang pino
250g Pork jowl, giniling nang pino
Curing
5g refined salt
3g Curing salt / Prague powder (pink salt)
8g Accord Phosphate
62.5ml malamig na tubig
Extenders
125ml tubig
28g Isolate Protein (ISP)
125g Texturized Vegetable Protein (TVP)
10g carrageenan
Seasonings
20g Sugar, refined
10g dinurog na paminta
20g Garlic powder
15g MSG
150g sibuyas, hiniwa nang pino
20g Celery, hiniwa nang pino
50g Carrot, hiniwa nang pino
50g Nori flakes, tinadtad
1 piraso ng itlog, malaki
50ml Sesame oil
130g Corn starch
80pcs siomai wrapper (yellow)
Resulta = 2kilo pataas (20g bawat isa, makakagawa nang hindi bababa sa 80 piraso ng pork siomai)
Shelf life = magandang makain o magamit bago mag-6 na buwan
PAMAMARAAN:
1. Ihanda ang hilaw na karne (giniling) para sa curing.
3. Idagdag ang asin at phosphate (tinunaw sa ¼ tasa ng tubig). Haluin hanggang maging tacky.
4. Idagdag ang extenders: TVP, carageenan and isolate. Haluing muli hanggang maging iisa ang mga sangkap.
5. Idagdag ang mga seasonings at muling haluin.
6. Kung mapapansin, pareho ang curing procedure nito sa hamburger patties, kailangan lang na maging mas matibay ito dahil kailangan pa itong ibalot sa siomai wrapper. Palamigin ang mixture sa refrigerator sa loob ng 1-2 oras.
7. Kumuha ng isang siomai wrapper at ilagay ang nasa 20g - 25g na filling sa gitna. Kunin ang bawat dulo ng wrapper. Pisilin habang itinutupi ang bawat dulo. Ulitin sa pagbalot ng lahat ng filling.
9. Itago sa freezer.
10. Maaaring gumamit ng vacuum packaging (30 piraso kada pack). Maaari itong ibenta nang hilaw o idagdag sa menu ng iyong food cart.
Comments
Post a Comment