Chicken Inasal (Ala Mang Inasal)

Chicken Inasal
Chicken Inasal (Ala Mang Inasal)

Chicken Inasal (Ala Mang Inasal) Pang Negosyo Recipe


Naisip mo ba kung bakit nangunguna ang Mang Inasal sa industriya ng fast food sa Pilipinas? Ito ay dahil sa kanilang “nuot sa ihaw sarap” na lasa! Narito ang secret recipe ng chicken inasal na may kaparehong “nuot sa ihaw sarap” na lasa. 

Ihain ito sa iyong restaurant at siguradong hindi pagsisisihan ng iyong customers na bilhin ito.


SANGKAP:

Para sa curing a marinade
2kg ng manok Chicken, (leg hanggang thigh cut)

20g bawang, natadtad
40g luya, natadtad
20g brown sugar
40g sinamak (native coconut vinegar)

250mg Ascorbic Acid (half tablet)
30g calamansi, juice extract
125g lime soda (7-up or Sprite)

50g RC (ordinary MSG)
3 tangkay ng tanglad (lemon grass), julienne
8g durog na paminta


Para sa Basting Sauce / Annatto Oil
250g mantika

40g atsuete (annatto seeds) oil
2g asin

2g paminta

4 – 6 piraso ng skewer

Resulta: 2kg (makakagawa ng 6-7 piraso depende sa sukat ng manok)

Shelf life: Magandang makain o magamit bago mag-6 na buwan (Panatilihing frozen)


PAMAMARAAN:

1. Sa isang malaking mangkok, haluin ang lahat ng sangkap para sa marinade at curing saka ilagay ang karne ng manok.

2. Ipahid ang marinade sa manok saka iwan sa loob ng chiller. Pagkatapos ng 30 minuto, baligtarin ang karne at hayaan muli nang 30 minnuto. Huwag magdamag na i-marinate.

3. (Para sa Basting Sauce): Sa isang kawali, sa mababang apoy, initin ang Star Margarine at annatto seeds. Lutuin sa loob ng 2-3 minuto saka patayin ang kalan. Lagyan ng kaunting asin at paminta pampalasa.

4. Tuhugin ang manok. Gumawa ng mga hiwa sa manok mula sa paa hanggang hita at ikalat nang maigi upang maging pantay ang pagkakaluto (tulad ng nasa imahe). Ihawin sa mainit na uling, nasa ilalim ang parte na may balat, at lagyang ng baste paminsan-minsan gamit ang margarine-atsuete na mixture. Hangga’t maaari, huwag ikutin ang manok ng higit sa dalawang besess dahil matutuyo ang karne nito.


 

Comments